1 Mga Hari 13

Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili at ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng lingkod ng Diyos at sinabi, “Kapatid ko, bakit mo kami iniwan!”

1 Kings 13:30 (UKJV) And he laid his carcass in his own grave; and they mourned over him, saying, Alas, my brother!

28Umalis siya, at nakita niya ang bangkay na nakahandusay sa daan, at ang leon at asno na nakatayo sa tabi nito. Hindi kinain ng leon ang bangkay o nilapa man ang asno.

29Kinuha ng matandang propeta ang bangkay ng lingkod ng Diyos at isinakay sa asno, at dinala sa kanilang lungsod upang ipagluksa ang bangkay at ilibing ito.

30Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili at ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng lingkod ng Diyos at sinabi, “Kapatid ko, bakit mo kami iniwan!”

31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.

32Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.