27Sinabi agad ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” At inihanda nga nila ito.
28Umalis siya, at nakita niya ang bangkay na nakahandusay sa daan, at ang leon at asno na nakatayo sa tabi nito. Hindi kinain ng leon ang bangkay o nilapa man ang asno.
29Kinuha ng matandang propeta ang bangkay ng lingkod ng Diyos at isinakay sa asno, at dinala sa kanilang lungsod upang ipagluksa ang bangkay at ilibing ito.
30Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili at ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng lingkod ng Diyos at sinabi, “Kapatid ko, bakit mo kami iniwan!”
31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.