1 Mga Hari 13

Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.

1 Kings 13:31 (UKJV) And it came to pass, after he had buried him, that he spoke to his sons, saying, When I am dead, then bury me in the tomb wherein the man of God is buried; lay my bones beside his bones:

29Kinuha ng matandang propeta ang bangkay ng lingkod ng Diyos at isinakay sa asno, at dinala sa kanilang lungsod upang ipagluksa ang bangkay at ilibing ito.

30Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili at ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng lingkod ng Diyos at sinabi, “Kapatid ko, bakit mo kami iniwan!”

31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.

32Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”

33Kahit nangyari ang mga ito, hindi pa rin nagbago si Jeroboam sa kanyang masasamang gawa. Pumili pa rin siya ng mga taong maglilingkod bilang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar. Kahit sinong gustong maglingkod bilang pari ay inordinahan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.