22Ngunit mas malakas ang mga pumapanig kay Omri kaysa sa mga pumapanig kay Tibni na anak ni Ginat. Namatay si Tibni, at si Omri ang naging hari.
23Noong ikatatlumpuʼt isang taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging si Omri sa Israel. Naghari siya sa loob ng labindalawang taon; ang anim na taon nito ay doon sa Tirza.
24Binili niya kay Shemer ang bundok ng Samaria ng anim na libong pirasong pilak, at pinatayuan niya ito ng lungsod na tinawag niyang Samaria, mula sa pangalan ni Shemer na siyang dating nagmamay-ari ng bundok.
25Masama ang ginawa ni Omri sa paningin ng Panginoon, at nagkasala siya nang higit pa sa mga haring nauna sa kanya.
26Namuhay siyang katulad ni Jeroboam na anak ni Nebat, at ginawa rin niya ang kasalanang ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita. Dahil sa pagsamba nila sa mga walang kuwentang mga diyos-diyosan, ginalit nila ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.