1 Mga Hari 16

Noong ikatatlumpuʼt walong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Ahab na anak ni Omri. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

1 Kings 16:29 (UKJV) And in the thirty and eighth year of Asa king of Judah began Ahab the son of Omri to reign over Israel: and Ahab the son of Omri reigned over Israel in Samaria twenty and two years.

27Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Omri, at ang mga ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

28Namatay si Omri at inilibing siya sa Samaria. Ang anak niyang si Ahab ang pumalit sa kanya bilang hari.

29Noong ikatatlumpuʼt walong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Ahab na anak ni Omri. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

30Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, higit pa sa ginawa ng mga haring nauna sa kanya.

31Kulang pa sa kanya ang pagsunod sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam, kinuha pa niyang maging asawa si Jezebel na anak ni Haring Etbaal ng mga Sidoneo. At mula noon, naglingkod siya at sumamba sa diyos-diyosang si Baal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.