1 Mga Hari 16

Kulang pa sa kanya ang pagsunod sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam, kinuha pa niyang maging asawa si Jezebel na anak ni Haring Etbaal ng mga Sidoneo. At mula noon, naglingkod siya at sumamba sa diyos-diyosang si Baal.

1 Kings 16:31 (UKJV) And it came to pass, as if it had been a light thing for him to walk in the sins of Jeroboam the son of Nebat, that he took to wife Jezebel the daughter of Ethbaal king of the Zidonians, and went and served Baal, and worshipped him.

29Noong ikatatlumpuʼt walong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Ahab na anak ni Omri. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

30Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, higit pa sa ginawa ng mga haring nauna sa kanya.

31Kulang pa sa kanya ang pagsunod sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam, kinuha pa niyang maging asawa si Jezebel na anak ni Haring Etbaal ng mga Sidoneo. At mula noon, naglingkod siya at sumamba sa diyos-diyosang si Baal.

32Nagpatayo siya ng templo at altar para kay Baal doon sa Samaria.

33Nagpagawa rin siya ng mga posteng imahen ng diyosang si Ashera. Ginalit niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, higit pa sa ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.