31Kulang pa sa kanya ang pagsunod sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam, kinuha pa niyang maging asawa si Jezebel na anak ni Haring Etbaal ng mga Sidoneo. At mula noon, naglingkod siya at sumamba sa diyos-diyosang si Baal.
32Nagpatayo siya ng templo at altar para kay Baal doon sa Samaria.
33Nagpagawa rin siya ng mga posteng imahen ng diyosang si Ashera. Ginalit niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, higit pa sa ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.
34Noong panahon ng paghahari ni Ahab, muling ipinatayo ni Hiel na taga-Betel ang Jerico. Habang ipinapatayo niya ang mga pundasyon nito, namatay ang panganay niyang anak na si Abiram. At habang ipinapagawa naman niya ang mga pintuan nito, namatay ang bunso niyang anak na si Segub. Nangyari ang lahat ng ito ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun.