8Kaya sinabi ng Panginoon kay Elias,
9“Pumunta ka agad sa Zarefat na sakop ng Sidon, at doon ka manirahan. May isang biyuda roon na inutusan kong magpapakain sa iyo.”
10Kaya pumunta si Elias sa Zarefat. Pagdating niya sa pintuan ng bayan, may nakita siyang biyuda na nangangahoy. Sinabi niya sa babae, “Puwede mo ba akong dalhan ng kaunting tubig na nakalagay sa banga upang makainom ako?”
11Nang paalis na ang biyuda para kumuha ng tubig, sinabi pa sa kanya ni Elias, “Pakidalhan mo na rin ako ng tinapay.”
12Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa banga at kaunting langis sa tapayan. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”