1 Mga Hari 17

“Pumunta ka agad sa Zarefat na sakop ng Sidon, at doon ka manirahan. May isang biyuda roon na inutusan kong magpapakain sa iyo.”

1 Kings 17:9 (UKJV) Arise, get you to Zarephath, which belongs to Zidon, and dwell there: behold, I have commanded a widow woman there to sustain you.

7Di nagtagal, natuyo ang batis dahil hindi na umuulan.

8Kaya sinabi ng Panginoon kay Elias,

9“Pumunta ka agad sa Zarefat na sakop ng Sidon, at doon ka manirahan. May isang biyuda roon na inutusan kong magpapakain sa iyo.”

10Kaya pumunta si Elias sa Zarefat. Pagdating niya sa pintuan ng bayan, may nakita siyang biyuda na nangangahoy. Sinabi niya sa babae, “Puwede mo ba akong dalhan ng kaunting tubig na nakalagay sa banga upang makainom ako?”

11Nang paalis na ang biyuda para kumuha ng tubig, sinabi pa sa kanya ni Elias, “Pakidalhan mo na rin ako ng tinapay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.