1 Mga Hari 17

Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa banga at kaunting langis sa tapayan. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”

1 Kings 17:12 (UKJV) And she said, As the LORD your God lives, I have not a cake, but an handful of meal in a barrel, and a little oil in a cruse: and, behold, I am gathering two sticks, that I may go in and dress it for me and my son, that we may eat it, and die.

10Kaya pumunta si Elias sa Zarefat. Pagdating niya sa pintuan ng bayan, may nakita siyang biyuda na nangangahoy. Sinabi niya sa babae, “Puwede mo ba akong dalhan ng kaunting tubig na nakalagay sa banga upang makainom ako?”

11Nang paalis na ang biyuda para kumuha ng tubig, sinabi pa sa kanya ni Elias, “Pakidalhan mo na rin ako ng tinapay.”

12Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa banga at kaunting langis sa tapayan. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”

13Sinabi ni Elias sa kanya, “Huwag kang mag-alala. Umuwi ka at gawin ang sinabi mo. Ngunit ipagluto mo muna ako ng maliit na tinapay mula sa natirang harina, at dalhin mo agad ito sa akin. Pagkatapos, magluto ka rin para saʼyo at sa anak mo.

14Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Hindi mauubusan ng harina ang iyong banga at hindi mauubusan ng langis ang iyong tapayan hanggang sa araw na padalhan ko ng ulan ang lupa.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.