1 Mga Hari 17

Sinabi ng biyuda kay Elias, “Ano po ang ikinagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta po ba kayo rito upang patayin ang aking anak bilang parusa sa aking mga kasalanan?”

1 Kings 17:18 (UKJV) And she said unto Elijah, What have I to do with you, O you man of God? are you come unto me to call my sin to remembrance, and to slay my son?

16Hindi nauubos ang harina sa banga at hindi rin nauubos ang langis sa tapayan, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.

17Kinalaunan, nagkasakit ang anak ng biyuda. Lumala ang sakit nito hanggang sa mamatay.

18Sinabi ng biyuda kay Elias, “Ano po ang ikinagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta po ba kayo rito upang patayin ang aking anak bilang parusa sa aking mga kasalanan?”

19Sumagot si Elias, “Ibigay mo sa akin ang bata.” Kinuha ni Elias ang bata sa kanyang ina, at dinala ito sa kuwarto sa itaas, kung saan siya tumutuloy. Inihiga niya ang bata sa kanyang higaan,

20at nanalangin siya sa Panginoon, “O Panginoon, na aking Diyos, ito po ba ang igaganti ninyo sa biyudang nagpatuloy sa akin? Bakit ninyo ipinahintulot na mamatay ang anak niya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.