1 Mga Hari 17

Sumagot si Elias, “Ibigay mo sa akin ang bata.” Kinuha ni Elias ang bata sa kanyang ina, at dinala ito sa kuwarto sa itaas, kung saan siya tumutuloy. Inihiga niya ang bata sa kanyang higaan,

1 Kings 17:19 (UKJV) And he said unto her, Give me your son. And he took him out of her bosom, and carried him up into an upper room, where he abode, and laid him upon his own bed.

17Kinalaunan, nagkasakit ang anak ng biyuda. Lumala ang sakit nito hanggang sa mamatay.

18Sinabi ng biyuda kay Elias, “Ano po ang ikinagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta po ba kayo rito upang patayin ang aking anak bilang parusa sa aking mga kasalanan?”

19Sumagot si Elias, “Ibigay mo sa akin ang bata.” Kinuha ni Elias ang bata sa kanyang ina, at dinala ito sa kuwarto sa itaas, kung saan siya tumutuloy. Inihiga niya ang bata sa kanyang higaan,

20at nanalangin siya sa Panginoon, “O Panginoon, na aking Diyos, ito po ba ang igaganti ninyo sa biyudang nagpatuloy sa akin? Bakit ninyo ipinahintulot na mamatay ang anak niya?”

21Dumapa si Elias ng tatlong beses sa bata at tumawag sa Panginoon, “O Panginoon na aking Diyos, buhayin po ninyo ang batang ito!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.