1 Mga Hari 17

at nanalangin siya sa Panginoon, “O Panginoon, na aking Diyos, ito po ba ang igaganti ninyo sa biyudang nagpatuloy sa akin? Bakit ninyo ipinahintulot na mamatay ang anak niya?”

1 Kings 17:20 (UKJV) And he cried unto the LORD, and said, O LORD my God, have you also brought evil upon the widow with whom I sojourn, by slaying her son?

18Sinabi ng biyuda kay Elias, “Ano po ang ikinagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta po ba kayo rito upang patayin ang aking anak bilang parusa sa aking mga kasalanan?”

19Sumagot si Elias, “Ibigay mo sa akin ang bata.” Kinuha ni Elias ang bata sa kanyang ina, at dinala ito sa kuwarto sa itaas, kung saan siya tumutuloy. Inihiga niya ang bata sa kanyang higaan,

20at nanalangin siya sa Panginoon, “O Panginoon, na aking Diyos, ito po ba ang igaganti ninyo sa biyudang nagpatuloy sa akin? Bakit ninyo ipinahintulot na mamatay ang anak niya?”

21Dumapa si Elias ng tatlong beses sa bata at tumawag sa Panginoon, “O Panginoon na aking Diyos, buhayin po ninyo ang batang ito!”

22Sinagot ng Panginoon ang panalangin ni Elias at muling nabuhay ang bata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.