19Sumagot si Elias, “Ibigay mo sa akin ang bata.” Kinuha ni Elias ang bata sa kanyang ina, at dinala ito sa kuwarto sa itaas, kung saan siya tumutuloy. Inihiga niya ang bata sa kanyang higaan,
20at nanalangin siya sa Panginoon, “O Panginoon, na aking Diyos, ito po ba ang igaganti ninyo sa biyudang nagpatuloy sa akin? Bakit ninyo ipinahintulot na mamatay ang anak niya?”
21Dumapa si Elias ng tatlong beses sa bata at tumawag sa Panginoon, “O Panginoon na aking Diyos, buhayin po ninyo ang batang ito!”
22Sinagot ng Panginoon ang panalangin ni Elias at muling nabuhay ang bata.
23Pagkatapos, dinala ni Elias ang bata sa ibaba at ibinigay sa kanyang ina. Sinabi ni Elias, “Tingnan mo ang iyong anak, buhay siya!”