29Lumipas ang tanghali, tuloy-tuloy pa rin ang pagsigaw nila hanggang dumating na ang takdang oras ng paghahandog sa hapon, ngunit wala pa ring sumagot sa kanila.
30Nagsalita si Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin.” At nagsilapit ang mga tao sa kanya. Inayos niya ang altar ng Panginoon na nagiba.
31Kumuha siya ng labindalawang bato na sumisimbolo ng labindalawang lahi ng mga anak ni Jacob, ang taong pinangalanan ng Panginoon na Israel.
32Ginawa niyang altar para sa Panginoon ang mga bato at ginawan ng kanal ang paligid nito. Ang kanal ay kayang malagyan ng tatlong galong butil.
33Iniayos niya nang mabuti ang panggatong sa altar, kinatay ang toro at inilapag ito sa ibabaw ng gatong. Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Buhusan ninyo ng apat na tapayang tubig ang handog at panggatong.”