31Kumuha siya ng labindalawang bato na sumisimbolo ng labindalawang lahi ng mga anak ni Jacob, ang taong pinangalanan ng Panginoon na Israel.
32Ginawa niyang altar para sa Panginoon ang mga bato at ginawan ng kanal ang paligid nito. Ang kanal ay kayang malagyan ng tatlong galong butil.
33Iniayos niya nang mabuti ang panggatong sa altar, kinatay ang toro at inilapag ito sa ibabaw ng gatong. Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Buhusan ninyo ng apat na tapayang tubig ang handog at panggatong.”
34Matapos nilang gawin ito, sinabi ni Elias, “Buhusan ninyo ulit.” Pagkatapos nilang buhusan, sinabi ulit ni Elias, “Buhusan pa ninyo sa ikatlong pagkakataon.” Sinunod nila ang sinabi ni Elias,
35at umagos ang tubig sa paligid ng altar, at napuno ang kanal.