1 Mga Hari 18

Ginawa niyang altar para sa Panginoon ang mga bato at ginawan ng kanal ang paligid nito. Ang kanal ay kayang malagyan ng tatlong galong butil.

1 Kings 18:32 (UKJV) And with the stones he built an altar in the name of the LORD: and he made a trench about the altar, as great as would contain two measures of seed.

30Nagsalita si Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin.” At nagsilapit ang mga tao sa kanya. Inayos niya ang altar ng Panginoon na nagiba.

31Kumuha siya ng labindalawang bato na sumisimbolo ng labindalawang lahi ng mga anak ni Jacob, ang taong pinangalanan ng Panginoon na Israel.

32Ginawa niyang altar para sa Panginoon ang mga bato at ginawan ng kanal ang paligid nito. Ang kanal ay kayang malagyan ng tatlong galong butil.

33Iniayos niya nang mabuti ang panggatong sa altar, kinatay ang toro at inilapag ito sa ibabaw ng gatong. Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Buhusan ninyo ng apat na tapayang tubig ang handog at panggatong.”

34Matapos nilang gawin ito, sinabi ni Elias, “Buhusan ninyo ulit.” Pagkatapos nilang buhusan, sinabi ulit ni Elias, “Buhusan pa ninyo sa ikatlong pagkakataon.” Sinunod nila ang sinabi ni Elias,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.