1 Mga Hari 18

Nang oras na ng paghahandog, lumapit si Propeta Elias sa altar at nanalangin. Sinabi niya, “Panginoon, Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, patunayan ninyo sa araw na ito, na kayo ang Diyos ng Israel at ako ang inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito ayon sa utos ninyo.

1 Kings 18:36 (UKJV) And it came to pass at the time of the offering of the evening sacrifice, that Elijah the prophet came near, and said, LORD God of Abraham, Isaac, and of Israel, let it be known this day that you are God in Israel, and that I am your servant, and that I have done all these things at your word.

34Matapos nilang gawin ito, sinabi ni Elias, “Buhusan ninyo ulit.” Pagkatapos nilang buhusan, sinabi ulit ni Elias, “Buhusan pa ninyo sa ikatlong pagkakataon.” Sinunod nila ang sinabi ni Elias,

35at umagos ang tubig sa paligid ng altar, at napuno ang kanal.

36Nang oras na ng paghahandog, lumapit si Propeta Elias sa altar at nanalangin. Sinabi niya, “Panginoon, Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, patunayan ninyo sa araw na ito, na kayo ang Diyos ng Israel at ako ang inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito ayon sa utos ninyo.

37Panginoon, dinggin nʼyo po ako, upang malaman ng mga tao na kayo Panginoon, ang Diyos, at nais nʼyo silang magbalik-loob sa inyo.”

38Dumating agad ang apoy na galing sa Panginoon, at sinunog nito ang handog, ang gatong, ang mga bato at ang lupa, at natuyo ang kanal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.