1 Mga Hari 18

Panginoon, dinggin nʼyo po ako, upang malaman ng mga tao na kayo Panginoon, ang Diyos, at nais nʼyo silang magbalik-loob sa inyo.”

1 Kings 18:37 (UKJV) Hear me, O LORD, hear me, that this people may know that you are the LORD God, and that you have turned their heart back again.

35at umagos ang tubig sa paligid ng altar, at napuno ang kanal.

36Nang oras na ng paghahandog, lumapit si Propeta Elias sa altar at nanalangin. Sinabi niya, “Panginoon, Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, patunayan ninyo sa araw na ito, na kayo ang Diyos ng Israel at ako ang inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito ayon sa utos ninyo.

37Panginoon, dinggin nʼyo po ako, upang malaman ng mga tao na kayo Panginoon, ang Diyos, at nais nʼyo silang magbalik-loob sa inyo.”

38Dumating agad ang apoy na galing sa Panginoon, at sinunog nito ang handog, ang gatong, ang mga bato at ang lupa, at natuyo ang kanal.

39Nang makita ito ng lahat ng tao, nagpatirapa sila at sinabi, “Ang Panginoon ang siyang Diyos! Ang Panginoon ang siyang Diyos!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.