1 Mga Hari 18

Nang makita ito ng lahat ng tao, nagpatirapa sila at sinabi, “Ang Panginoon ang siyang Diyos! Ang Panginoon ang siyang Diyos!”

1 Kings 18:39 (UKJV) And when all the people saw it, they fell on their faces: and they said, The LORD, he is the God; the LORD, he is the God.

37Panginoon, dinggin nʼyo po ako, upang malaman ng mga tao na kayo Panginoon, ang Diyos, at nais nʼyo silang magbalik-loob sa inyo.”

38Dumating agad ang apoy na galing sa Panginoon, at sinunog nito ang handog, ang gatong, ang mga bato at ang lupa, at natuyo ang kanal.

39Nang makita ito ng lahat ng tao, nagpatirapa sila at sinabi, “Ang Panginoon ang siyang Diyos! Ang Panginoon ang siyang Diyos!”

40Iniutos agad ni Elias sa mga tao, “Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal. Dapat walang makatakas sa kanila!” Dinakip ang lahat ng propeta ni Baal at dinala sila ni Elias sa Lambak ng Kison at pinagpapatay.

41Sinabi ni Elias kay Ahab, “Humayo ka, kumain at uminom, dahil paparating na ang malakas na ulan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.