1 Mga Hari 19

Pagkatapos, naglakad siya nang isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, “Tama na po, Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay koʼt wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno.”

1 Kings 19:4 (UKJV) But he himself went a day's journey into the wilderness, and came and sat down under a juniper tree: and he requested for himself that he might die; and said, It is enough; now, O LORD, take away my life; for I am not better than my fathers.

2Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahero na magsasabi kay Elias, “Lubusan sana akong parusahan ng mga diyos kung sa ganitong oras bukas ay hindi ko pa nagagawa saʼyo ang tulad ng ginawa mong pagpatay sa mga propeta.”

3Natakot si Elias, kaya tumakas siya papunta sa Beer-seba na sakop ng Juda, at iniwan niya roon ang utusan niya.

4Pagkatapos, naglakad siya nang isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, “Tama na po, Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay koʼt wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno.”

5Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog. Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, “Bumangon ka at kumain.”

6Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.