1 Mga Hari 19

Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahero na magsasabi kay Elias, “Lubusan sana akong parusahan ng mga diyos kung sa ganitong oras bukas ay hindi ko pa nagagawa saʼyo ang tulad ng ginawa mong pagpatay sa mga propeta.”

1 Kings 19:2 (UKJV) Then Jezebel sent a messenger unto Elijah, saying, So let the gods do to me, and more also, if I make not your life as the life of one of them by tomorrow about this time.

1Ngayon, sinabi ni Ahab kay Jezebel ang lahat ng ginawa ni Elias, at kung paano nito pinagpapatay ang lahat ng propeta ni Baal.

2Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahero na magsasabi kay Elias, “Lubusan sana akong parusahan ng mga diyos kung sa ganitong oras bukas ay hindi ko pa nagagawa saʼyo ang tulad ng ginawa mong pagpatay sa mga propeta.”

3Natakot si Elias, kaya tumakas siya papunta sa Beer-seba na sakop ng Juda, at iniwan niya roon ang utusan niya.

4Pagkatapos, naglakad siya nang isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, “Tama na po, Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay koʼt wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.