1 Mga Hari 2

Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon upang sabihin sa kanya ang tungkol sa kahilingan ni Adonias. Pagkakita ni Solomon sa kanya, tumayo si Solomon mula sa kanyang trono para salubungin siya, at agad siyang yumukod sa kanyang ina. Pagkatapos, muli siyang naupo sa kanyang trono. Nagpakuha siya ng upuan at ipinalagay sa kanan niya at doon pinaupo ang kanyang ina.

1 Kings 2:19 (UKJV) Bathsheba therefore went unto king Solomon, to speak unto him for Adonijah. And the king rose up to meet her, and bowed himself unto her, and sat down on his throne, and caused a seat to be set for the king's mother; and she sat on his right hand.

17Sumagot si Adonias, “Kung maaari ay hilingin nʼyo kay Haring Solomon na mapangasawa ko si Abisag na taga-Shunem. Alam kong hindi siya tatanggi sa inyo.”

18Sumagot si Batsheba, “Sige, sasabihin ko sa hari.”

19Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon upang sabihin sa kanya ang tungkol sa kahilingan ni Adonias. Pagkakita ni Solomon sa kanya, tumayo si Solomon mula sa kanyang trono para salubungin siya, at agad siyang yumukod sa kanyang ina. Pagkatapos, muli siyang naupo sa kanyang trono. Nagpakuha siya ng upuan at ipinalagay sa kanan niya at doon pinaupo ang kanyang ina.

20Sinabi ni Batsheba, “Mayroon akong maliit na kahilingan sa iyo. Huwag mo sana akong tatanggihan.” Sumagot ang hari, “Ano po ang hihilingin ninyo? Hindi ko kayo bibiguin.”

21Sinabi ni Batsheba, “Hayaan mong mapangasawa ng iyong kapatid na si Adonias si Abisag na taga-Shunem.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.