19Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon upang sabihin sa kanya ang tungkol sa kahilingan ni Adonias. Pagkakita ni Solomon sa kanya, tumayo si Solomon mula sa kanyang trono para salubungin siya, at agad siyang yumukod sa kanyang ina. Pagkatapos, muli siyang naupo sa kanyang trono. Nagpakuha siya ng upuan at ipinalagay sa kanan niya at doon pinaupo ang kanyang ina.
20Sinabi ni Batsheba, “Mayroon akong maliit na kahilingan sa iyo. Huwag mo sana akong tatanggihan.” Sumagot ang hari, “Ano po ang hihilingin ninyo? Hindi ko kayo bibiguin.”
21Sinabi ni Batsheba, “Hayaan mong mapangasawa ng iyong kapatid na si Adonias si Abisag na taga-Shunem.”
22Nagtanong si Haring Solomon, “Bakit hinihiling ninyo na mapangasawa ni Adonias si Abisag? Baka hilingin nʼyo rin na ibigay ko sa kanya ang kaharian ko dahil mas matanda siya sa akin at kakampi niya ang paring si Abiatar at si Joab na anak ni Zeruias!”
23Pagkatapos, sumumpa si Haring Solomon sa pangalan ng Panginoon, “Parusahan nawa ako ng Diyos kung hindi buhay ni Adonias ang kapalit ng kahilingan niyang ito!