1 Mga Hari 2

Nagtanong si Haring Solomon, “Bakit hinihiling ninyo na mapangasawa ni Adonias si Abisag? Baka hilingin nʼyo rin na ibigay ko sa kanya ang kaharian ko dahil mas matanda siya sa akin at kakampi niya ang paring si Abiatar at si Joab na anak ni Zeruias!”

1 Kings 2:22 (UKJV) And king Solomon answered and said unto his mother, And why do you ask Abishag the Shunammite for Adonijah? ask for him the kingdom also; for he is mine elder brother; even for him, and for Abiathar the priest, and for Joab the son of Zeruiah.

20Sinabi ni Batsheba, “Mayroon akong maliit na kahilingan sa iyo. Huwag mo sana akong tatanggihan.” Sumagot ang hari, “Ano po ang hihilingin ninyo? Hindi ko kayo bibiguin.”

21Sinabi ni Batsheba, “Hayaan mong mapangasawa ng iyong kapatid na si Adonias si Abisag na taga-Shunem.”

22Nagtanong si Haring Solomon, “Bakit hinihiling ninyo na mapangasawa ni Adonias si Abisag? Baka hilingin nʼyo rin na ibigay ko sa kanya ang kaharian ko dahil mas matanda siya sa akin at kakampi niya ang paring si Abiatar at si Joab na anak ni Zeruias!”

23Pagkatapos, sumumpa si Haring Solomon sa pangalan ng Panginoon, “Parusahan nawa ako ng Diyos kung hindi buhay ni Adonias ang kapalit ng kahilingan niyang ito!

24Ang Panginoon ang siyang nagluklok sa akin sa trono ng aking amang si David. Tinupad niya ang kanyang pangako na ibibigay niya ang kaharian sa akin at sa aking mga angkan. Kaya sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na mamamatay si Adonias sa araw na ito!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.