21Sinabi ni Batsheba, “Hayaan mong mapangasawa ng iyong kapatid na si Adonias si Abisag na taga-Shunem.”
22Nagtanong si Haring Solomon, “Bakit hinihiling ninyo na mapangasawa ni Adonias si Abisag? Baka hilingin nʼyo rin na ibigay ko sa kanya ang kaharian ko dahil mas matanda siya sa akin at kakampi niya ang paring si Abiatar at si Joab na anak ni Zeruias!”
23Pagkatapos, sumumpa si Haring Solomon sa pangalan ng Panginoon, “Parusahan nawa ako ng Diyos kung hindi buhay ni Adonias ang kapalit ng kahilingan niyang ito!
24Ang Panginoon ang siyang nagluklok sa akin sa trono ng aking amang si David. Tinupad niya ang kanyang pangako na ibibigay niya ang kaharian sa akin at sa aking mga angkan. Kaya sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na mamamatay si Adonias sa araw na ito!”
25Kaya iniutos ni Haring Solomon kay Benaias, na anak ni Jehoiada, na patayin si Adonias, at pinatay nga niya ito.