1 Mga Hari 2

Kaya tinanggal ni Solomon si Abiatar sa kanyang tungkulin bilang pari ng Panginoon. At natupad ang sinasabi ng Panginoon doon sa Silo tungkol sa pamilya ni Eli.

1 Kings 2:27 (UKJV) So Solomon thrust out Abiathar from being priest unto the LORD; that he might fulfill the word of the LORD, which he spoke concerning the house of Eli in Shiloh.

25Kaya iniutos ni Haring Solomon kay Benaias, na anak ni Jehoiada, na patayin si Adonias, at pinatay nga niya ito.

26Pagkatapos, sinabi ni Haring Solomon kay Abiatar na pari, “Umuwi ka sa iyong bukirin sa Anatot. Dapat kang patayin pero hindi kita papatayin ngayon dahil katiwala ka ng Kahon ng Makapangyarihang Panginoon noong kasama ka pa ng aking amang si David, at nakihati ka sa kanyang mga pagtitiis.”

27Kaya tinanggal ni Solomon si Abiatar sa kanyang tungkulin bilang pari ng Panginoon. At natupad ang sinasabi ng Panginoon doon sa Silo tungkol sa pamilya ni Eli.

28Hindi tumulong si Joab kay Absalom na maging hari, ngunit tumulong siya kay Adonias. Kaya nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Adonias, tumakas siya papunta sa tolda ng Panginoon at humawak sa mga sungay na bahagi ng altar.

29Nang mabalitaan ni Haring Solomon na tumakas si Joab papunta sa tolda ng Panginoon at lumapit sa altar, iniutos niya kay Benaias na anak ni Jehoiada, na patayin si Joab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.