1 Mga Hari 2

Pagkatapos, sinabi ni Haring Solomon kay Abiatar na pari, “Umuwi ka sa iyong bukirin sa Anatot. Dapat kang patayin pero hindi kita papatayin ngayon dahil katiwala ka ng Kahon ng Makapangyarihang Panginoon noong kasama ka pa ng aking amang si David, at nakihati ka sa kanyang mga pagtitiis.”

1 Kings 2:26 (UKJV) And unto Abiathar the priest said the king, Get you to Anathoth, unto yours own fields; for you are worthy of death: but I will not at this time put you to death, because you bare the ark of the LORD God before David my father, and because you have been afflicted in all wherein my father was afflicted.

24Ang Panginoon ang siyang nagluklok sa akin sa trono ng aking amang si David. Tinupad niya ang kanyang pangako na ibibigay niya ang kaharian sa akin at sa aking mga angkan. Kaya sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na mamamatay si Adonias sa araw na ito!”

25Kaya iniutos ni Haring Solomon kay Benaias, na anak ni Jehoiada, na patayin si Adonias, at pinatay nga niya ito.

26Pagkatapos, sinabi ni Haring Solomon kay Abiatar na pari, “Umuwi ka sa iyong bukirin sa Anatot. Dapat kang patayin pero hindi kita papatayin ngayon dahil katiwala ka ng Kahon ng Makapangyarihang Panginoon noong kasama ka pa ng aking amang si David, at nakihati ka sa kanyang mga pagtitiis.”

27Kaya tinanggal ni Solomon si Abiatar sa kanyang tungkulin bilang pari ng Panginoon. At natupad ang sinasabi ng Panginoon doon sa Silo tungkol sa pamilya ni Eli.

28Hindi tumulong si Joab kay Absalom na maging hari, ngunit tumulong siya kay Adonias. Kaya nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Adonias, tumakas siya papunta sa tolda ng Panginoon at humawak sa mga sungay na bahagi ng altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.