33Siya at ang angkan niya ang mananagot magpakailanman sa pagkamatay ng mga taong ito. Ngunit si David at ang angkan niyaʼt kaharian ay bibigyan ng mabuting kalagayan magpakailanman.”
34Kaya pinuntahan ni Benaias si Joab at pinatay. Inilibing siya malapit sa bahay niya sa ilang.
35Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaias kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Sadoc.
36Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay dito sa Jerusalem at tumira ka sa bahay mo. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar.