1 Mga Hari 2

Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay dito sa Jerusalem at tumira ka sa bahay mo. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar.

1 Kings 2:36 (UKJV) And the king sent and called for Shimei, and said unto him, Build you an house in Jerusalem, and dwell there, and go not forth thence any where.

34Kaya pinuntahan ni Benaias si Joab at pinatay. Inilibing siya malapit sa bahay niya sa ilang.

35Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaias kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Sadoc.

36Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay dito sa Jerusalem at tumira ka sa bahay mo. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar.

37Sa oras na umalis ka at tumawid sa Lambak ng Kidron, tiyak na mamamatay ka. At kapag nangyari ito, ikaw na ang may pananagutan nito.”

38Sumagot si Shimei sa hari, “Mabuti po ang sinabi nʼyo, susundin ko ito!” Kaya tumira si Shimei sa Jerusalem nang matagal na panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.