1 Mga Hari 2

Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaias kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Sadoc.

1 Kings 2:35 (UKJV) And the king put Benaiah the son of Jehoiada in his room over the host: and Zadok the priest did the king put in the room of Abiathar.

33Siya at ang angkan niya ang mananagot magpakailanman sa pagkamatay ng mga taong ito. Ngunit si David at ang angkan niyaʼt kaharian ay bibigyan ng mabuting kalagayan magpakailanman.”

34Kaya pinuntahan ni Benaias si Joab at pinatay. Inilibing siya malapit sa bahay niya sa ilang.

35Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaias kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Sadoc.

36Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay dito sa Jerusalem at tumira ka sa bahay mo. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar.

37Sa oras na umalis ka at tumawid sa Lambak ng Kidron, tiyak na mamamatay ka. At kapag nangyari ito, ikaw na ang may pananagutan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.