1 Mga Hari 2

Sumagot si Shimei sa hari, “Mabuti po ang sinabi nʼyo, susundin ko ito!” Kaya tumira si Shimei sa Jerusalem nang matagal na panahon.

1 Kings 2:38 (UKJV) And Shimei said unto the king, The saying is good: as my lord the king has said, so will your servant do. And Shimei dwelt in Jerusalem many days.

36Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay dito sa Jerusalem at tumira ka sa bahay mo. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar.

37Sa oras na umalis ka at tumawid sa Lambak ng Kidron, tiyak na mamamatay ka. At kapag nangyari ito, ikaw na ang may pananagutan nito.”

38Sumagot si Shimei sa hari, “Mabuti po ang sinabi nʼyo, susundin ko ito!” Kaya tumira si Shimei sa Jerusalem nang matagal na panahon.

39Ngunit pagkalipas ng tatlong taon, lumayas ang dalawa sa mga alipin ni Shimei, at pumunta sa hari ng Gat na si Aquis, na anak ni Maaca. Nang mabalitaan ito ni Shimei,

40nilagyan niya agad ng upuan ang kanyang asno at sumakay, pumunta siya kay Aquis sa Gat upang hanapin ang dalawang alipin niya. Nakita niya sila at isinama pauwi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.