1 Mga Hari 20

Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya; 232 silang lahat. At tinipon din niya ang iba pang mga Israelita; pitong libo silang lahat.

1 Kings 20:15 (UKJV) Then he numbered the young men of the princes of the provinces, and they were two hundred and thirty two: and after them he numbered all the people, even all the children of Israel, being seven thousand.

13Samantala, may dumating na isang propeta kay Ahab na hari ng Israel, at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nakikita mo ba ang napakaraming sundalo ni Ben-hadad? Ipapatalo ko sila sa iyo sa araw na ito, at malalaman mong ako ang Panginoon.”

14Nagtanong si Ahab, “Pero sino ang tatalo sa kanila?” Sumagot ang propeta, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya ang siyang tatalo sa kanila.” Nagtanong si Ahab, “Sino ang unang lulusob?” Sumagot ang propeta, “Kayo.”

15Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya; 232 silang lahat. At tinipon din niya ang iba pang mga Israelita; pitong libo silang lahat.

16Tanghali nang lumusob sila, habang si Ben-hadad at ang tatlumpuʼt dalawang haring kakampi niya ay naglalasing sa mga tolda nila.

17Ang unang lumusob ay ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador. Ngayon, ang mga espiyang ipinadala ni Ben-hadad sa Samaria ay nagsabi sa kanya, “May mga sundalo pong papunta rito mula sa Samaria.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.