15Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya; 232 silang lahat. At tinipon din niya ang iba pang mga Israelita; pitong libo silang lahat.
16Tanghali nang lumusob sila, habang si Ben-hadad at ang tatlumpuʼt dalawang haring kakampi niya ay naglalasing sa mga tolda nila.
17Ang unang lumusob ay ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador. Ngayon, ang mga espiyang ipinadala ni Ben-hadad sa Samaria ay nagsabi sa kanya, “May mga sundalo pong papunta rito mula sa Samaria.”
18Sinabi ni Ben-hadad, “Hulihin nʼyo sila! Kapayapaan man ang pakay nila rito o pakikipaglaban, hulihin nʼyo sila nang buhay.”
19Ang mga binatang sundalo ang nangunguna sa mga sundalo ng Israel.