16Tanghali nang lumusob sila, habang si Ben-hadad at ang tatlumpuʼt dalawang haring kakampi niya ay naglalasing sa mga tolda nila.
17Ang unang lumusob ay ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador. Ngayon, ang mga espiyang ipinadala ni Ben-hadad sa Samaria ay nagsabi sa kanya, “May mga sundalo pong papunta rito mula sa Samaria.”
18Sinabi ni Ben-hadad, “Hulihin nʼyo sila! Kapayapaan man ang pakay nila rito o pakikipaglaban, hulihin nʼyo sila nang buhay.”
19Ang mga binatang sundalo ang nangunguna sa mga sundalo ng Israel.
20Ang bawat isaʼy pinatay ang kanyang kalaban. Kaya tumakas ang ibang mga sundalo ng Aram, at hinabol sila ng mga Israelita. Ngunit si Ben-hadad na hari ng Aram at ang iba pa niyang mga kasama ay tumakas na nakasakay sa kabayo.