1 Mga Hari 20

Samantala, may dumating na isang propeta kay Ahab na hari ng Israel, at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nakikita mo ba ang napakaraming sundalo ni Ben-hadad? Ipapatalo ko sila sa iyo sa araw na ito, at malalaman mong ako ang Panginoon.”

1 Kings 20:13 (UKJV) And, behold, there came a prophet unto Ahab king of Israel, saying, Thus says the LORD, Have you seen all this great multitude? behold, I will deliver it into yours hand this day; and you shall know that I am the LORD.

11Sumagot ang hari ng Israel, “Sabihan nʼyo siya na ang sundalong naghahanda pa lang sa pakikipaglaban ay hindi dapat magmayabang tulad ng sundalong tapos nang makipaglaban.”

12Natanggap ni Ben-hadad ang sagot ni Ahab habang nag-iinuman sila ng mga kasama niyang hari sa kanilang mga tolda. Agad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan, sinabi niya, “Humanda kayong lumusob.” Kaya naghanda silang lusubin ang lungsod.

13Samantala, may dumating na isang propeta kay Ahab na hari ng Israel, at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nakikita mo ba ang napakaraming sundalo ni Ben-hadad? Ipapatalo ko sila sa iyo sa araw na ito, at malalaman mong ako ang Panginoon.”

14Nagtanong si Ahab, “Pero sino ang tatalo sa kanila?” Sumagot ang propeta, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya ang siyang tatalo sa kanila.” Nagtanong si Ahab, “Sino ang unang lulusob?” Sumagot ang propeta, “Kayo.”

15Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga binatang sundalo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga gobernador ng mga probinsya; 232 silang lahat. At tinipon din niya ang iba pang mga Israelita; pitong libo silang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.