1 Mga Hari 22

Subalit noong ikatlong taon, nakipagkita si Haring Jehoshafat ng Juda kay Ahab na hari ng Israel.

1 Kings 22:2 (UKJV) And it came to pass in the third year, that Jehoshaphat the king of Judah came down to the king of Israel.

1Sa loob ng tatlong taon, walang nangyaring labanan sa pagitan ng Aram at ng Israel.

2Subalit noong ikatlong taon, nakipagkita si Haring Jehoshafat ng Juda kay Ahab na hari ng Israel.

3Sinabi ni Ahab sa kanyang mga opisyal, “Alam ninyo na atin ang Ramot-gilead. Ngunit bakit hindi tayo gumagawa ng paraan upang mabawi ito sa hari ng Aram?”

4Kaya tinanong ni Ahab si Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat kay Haring Ahab ng Israel, “Handa akong sumáma sa iyo at handa akong ipagamit sa iyo ang mga sundaloʼt mga kabayo ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.