1 Mga Hari 22

Kaya tinanong ni Ahab si Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat kay Haring Ahab ng Israel, “Handa akong sumáma sa iyo at handa akong ipagamit sa iyo ang mga sundaloʼt mga kabayo ko.

1 Kings 22:4 (UKJV) And he said unto Jehoshaphat, Will you go with me to battle to Ramothgilead? And Jehoshaphat said to the king of Israel, I am as you are, my people as your people, my horses as your horses.

2Subalit noong ikatlong taon, nakipagkita si Haring Jehoshafat ng Juda kay Ahab na hari ng Israel.

3Sinabi ni Ahab sa kanyang mga opisyal, “Alam ninyo na atin ang Ramot-gilead. Ngunit bakit hindi tayo gumagawa ng paraan upang mabawi ito sa hari ng Aram?”

4Kaya tinanong ni Ahab si Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat kay Haring Ahab ng Israel, “Handa akong sumáma sa iyo at handa akong ipagamit sa iyo ang mga sundaloʼt mga kabayo ko.

5Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang sasabihin niya.”

6Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta; apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Dapat bang lusubin namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Oo, pumunta kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.