4Kaya tinanong ni Ahab si Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat kay Haring Ahab ng Israel, “Handa akong sumáma sa iyo at handa akong ipagamit sa iyo ang mga sundaloʼt mga kabayo ko.
5Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang sasabihin niya.”
6Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta; apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Dapat bang lusubin namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Oo, pumunta kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”
7Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon dito na mapagtatanungan natin?”
8Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan – si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”