5Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang sasabihin niya.”
6Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta; apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Dapat bang lusubin namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Oo, pumunta kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”
7Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon dito na mapagtatanungan natin?”
8Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan – si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”
9Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang mga opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”