7Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon dito na mapagtatanungan natin?”
8Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan – si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”
9Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang mga opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”
10Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria. At nakikinig sila sa sinasabi ng mga propeta.
11Si Zedequias na isa sa mga propeta na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”