1 Mga Hari 22

Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria. At nakikinig sila sa sinasabi ng mga propeta.

1 Kings 22:10 (UKJV) And the king of Israel and Jehoshaphat the king of Judah sat each on his throne, having put on their robes, in a void place in the entrance of the gate of Samaria; and all the prophets prophesied before them.

8Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan – si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”

9Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang mga opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”

10Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria. At nakikinig sila sa sinasabi ng mga propeta.

11Si Zedequias na isa sa mga propeta na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”

12Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Haring Ahab, lusubin nʼyo ang Ramot-gilead, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.