1 Mga Hari 22

Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Haring Ahab, lusubin nʼyo ang Ramot-gilead, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

1 Kings 22:12 (UKJV) And all the prophets prophesied so, saying, Go up to Ramothgilead, and prosper: for the LORD shall deliver it into the king's hand.

10Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria. At nakikinig sila sa sinasabi ng mga propeta.

11Si Zedequias na isa sa mga propeta na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”

12Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Haring Ahab, lusubin nʼyo ang Ramot-gilead, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

13Samantala, ang mga inutusan para puntahan at isama si Micaias ay nagsabi, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabi na magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang sabihin mo.”

14Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon, na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.