1 Mga Hari 22

Si Zedequias na isa sa mga propeta na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”

1 Kings 22:11 (UKJV) And Zedekiah the son of Chenaanah made him horns of iron: and he said, Thus says the LORD, With these shall you push the Syrians, until you have consumed them.

9Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang mga opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”

10Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria. At nakikinig sila sa sinasabi ng mga propeta.

11Si Zedequias na isa sa mga propeta na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”

12Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Haring Ahab, lusubin nʼyo ang Ramot-gilead, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

13Samantala, ang mga inutusan para puntahan at isama si Micaias ay nagsabi, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabi na magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang sabihin mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.