1 Mga Hari 3

Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.

1 Kings 3:15 (UKJV) And Solomon awoke; and, behold, it was a dream. And he came to Jerusalem, and stood before the ark of the covenant of the LORD, and offered up burnt offerings, and offered peace offerings, and made a feast to all his servants.

13Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan upang walang hari na makapantay saʼyo sa buong buhay mo.

14At kung susunod ka sa aking mga pamamaraan at tutupad sa aking mga tuntunin at mga utos, katulad ng ginawa ng iyong ama na si David, bibigyan kita ng mahabang buhay.”

15Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.

16May dalawang babaeng bayaran na pumunta kay Haring Solomon.

17Nagsalita ang isa sa kanila, “Mawalang-galang na po, Mahal na Hari. Ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nagsilang ako ng sanggol habang kasama ko siya sa bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.