14At kung susunod ka sa aking mga pamamaraan at tutupad sa aking mga tuntunin at mga utos, katulad ng ginawa ng iyong ama na si David, bibigyan kita ng mahabang buhay.”
15Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.
16May dalawang babaeng bayaran na pumunta kay Haring Solomon.
17Nagsalita ang isa sa kanila, “Mawalang-galang na po, Mahal na Hari. Ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nagsilang ako ng sanggol habang kasama ko siya sa bahay.
18Pagkalipas ng tatlong araw, siya naman ang nanganak. Kaming dalawa lang ang nasa bahay at wala nang iba.