1 Mga Hari 3

Nagsalita ang isa sa kanila, “Mawalang-galang na po, Mahal na Hari. Ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nagsilang ako ng sanggol habang kasama ko siya sa bahay.

1 Kings 3:17 (UKJV) And the one woman said, O my lord, I and this woman dwell in one house; and I was delivered of a child with her in the house.

15Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.

16May dalawang babaeng bayaran na pumunta kay Haring Solomon.

17Nagsalita ang isa sa kanila, “Mawalang-galang na po, Mahal na Hari. Ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nagsilang ako ng sanggol habang kasama ko siya sa bahay.

18Pagkalipas ng tatlong araw, siya naman ang nanganak. Kaming dalawa lang ang nasa bahay at wala nang iba.

19“Isang gabi, nahigaan niya ang kanyang anak at namatay ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.