1 Mga Hari 4

Mayroon ding labindalawang gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.

1 Kings 4:7 (UKJV) And Solomon had twelve officers over all Israel, which provided victuals for the king and his household: each man his month in a year made provision.

5Si Azarias na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel. Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang tagapayo ng hari.

6Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo. At si Adoniram na anak ni Abda ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho.

7Mayroon ding labindalawang gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.

8Ito ang kanilang mga pangalan: Si Ben-hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.

9Si Ben-deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet-semes at sa Elon-bet-hanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.