1 Mga Hari 4

Si Azarias na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel. Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang tagapayo ng hari.

1 Kings 4:5 (UKJV) And Azariah the son of Nathan was over the officers: and Zabud the son of Nathan was principal officer, and the king's friend:

3Sina Elihoref at Ahias na mga anak ni Sisha, ang mga kalihim ng hari. Si Jehosafat na anak ni Ahilud, ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.

4Si Benaias na anak ni Jehoiada ang kumander ng mga sundalo. Sina Sadoc at Abiatar ang mga pari.

5Si Azarias na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel. Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang tagapayo ng hari.

6Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo. At si Adoniram na anak ni Abda ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho.

7Mayroon ding labindalawang gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.