1 Mga Hari 5

Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tiro at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagsugo siya ng kanyang mga opisyal kay Solomon.

1 Kings 5:1 (UKJV) And Hiram king of Tyre sent his servants unto Solomon; for he had heard that they had anointed him king in the room of his father: for Hiram was ever a lover of David.

1Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tiro at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagsugo siya ng kanyang mga opisyal kay Solomon.

2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:

3“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng Templo para sa Panginoon na kanyang Diyos dahil palagi siyang nakikipagdigma sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.